^

Metro

NBI agent nagwala, arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang 41-anyos na ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) makaraang magwala at magpaputok ng baril sa panulukan ng Nakpil at Adriatico Sts., sa Malate, Maynila, kahapon ng mada­ling-araw.

Ipaghaharap ng reklamong alarm and scandal at Illegal possession  of firearms ang suspek na kinilalang si Special Investigator III Salvador Arteche Jr., naka­talaga sa Anti-Organized and Transnational Crime Division ng NBI. Siya ay kasalukuyang pinipigil sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section para sa inquest proceedings.

Batay sa affidavit nina SPO1 Carlos Chiu, PO2 Celso Corre Jr., PO1 Danel Nepuscua at PO1 Josue Ledesma, pawang naka­talaga sa Manila Police District-Station 5, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang humingi ng police assistance ang mga residente hinggil  sa pagwawala umano ng suspek at  pagpapaputok ng baril sa lugar. 

Ikinagalit umano ng suspek ang pamamalo sa kanyang sasakyan ng grupo ng kalalakihan na hindi na niya inabutan kaya ito nagwala sa lugar.

ADRIATICO STS

ANTI-ORGANIZED AND TRANSNATIONAL CRIME DIVISION

CARLOS CHIU

CELSO CORRE JR.

DANEL NEPUSCUA

JOSUE LEDESMA

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT AND INVESTIGATION SECTION

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SALVADOR ARTECHE JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with