^

Metro

Na-relocate na mga pamilya sa Makati, magkakailaw na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakailaw na ang mga residente ng Makati City na nakatira sa relocation site ng pamahalaang lungsod sa Calauan, Laguna.

Ibinalita ni City engineer Mario Badillo na nakakuha na ng permit ang Department of Engineering and Public Works (DEPW) nito para makapaglagay ang Meralco ng mga poste ng kuryente, transformers at cables simula sa susunod na linggo sa Makati Homeville, isang 40-hectare relocation site na pag-aari ng lungsod sa Calauan.

Sinabi ni Badillo na ang pagkaantala sa electrification ng lugar ay dahil umano sa kapabayaan ng contractor na hindi muna kumuha ng kaukulang building permits sa Calauan local government bago nagtayo ng health center, two 2-storey public school buildings at covered court.

Nabigo rin ang contractor na makatugon sa mga kondisyon ng Calauan local government sa pagkakaloob ng Site Development Permit noong 2008 na nagresulta sa pagkakakansela ng permit noong 2011.

Sinabi naman ni Engr. Peter Dizon ng DEPW na tiniyak ni Engr. Christian Magnaye ng Meralco-San Pablo, Laguna na 33 concrete posts ang itatayo sa susunod na linggo.

Aabutin ng 2-3 weeks para makumpleto ang pagkakabit ng mga poste, kable at transformers. Kasunod na nito ang 395 bahay na mabibigyan ng kuryente.

Sa kasalukuyan ay nagbabayad ang Makati City ng P2.73 million sa Meralco-San Pablo Branch, na hinati sa cash advance deposit, P2.67 million; service charge deposit, P59,530; at meter base deposit para sa 3 existing buildings, P3,915, ayon kay Dizon.

Ang Makati Homeville ay mayroong 1,031 relocated families (3,476 individuals), 700 dito ay nakatira na sa nasabing lugar. Ang benepisyaryo ay mga pamilyang dating nakatira sa danger zones mula sa Barangays Rizal, West Rembo, East Rembo, Poblacion, Guadalupe Viejo, Guadalupe Nuevo, Pio del Pilar, Valenzuela, Bangkal, Palanan, at San Isidro.

Kabilang sa mga pangkabuhayan ng mga residente ay pagtatanim. Nagsasagawa rin ng monthly medical missions ang Makati Health Department sa lugar. (Lordeth Bonilla)

ANG MAKATI HOMEVILLE

BARANGAYS RIZAL

CALAUAN

CHRISTIAN MAGNAYE

DEPARTMENT OF ENGINEERING AND PUBLIC WORKS

EAST REMBO

GUADALUPE NUEVO

GUADALUPE VIEJO

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with