Totoy binaunan ng bala sa mukha

MANILA, Philippines - Patay ang isang 17- anyos na binatilyo makaraang barilin sa mukha ng hindi nakikilalang salarin sa isang eskinita sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-the-spot sa lugar ang biktimang si Ronel Abude, residente ng Mars St., Brgy. Tandang Sora sa lungsod.

Ayon kay PO3 Jaime de Jesus, imbestigador, wala man lamang sa mga residente ang nakakita sa pamamaril kung kaya hirap silang matukoy ang suspect.

Sabi ni De Jesus, nangyari ang insidente sa   harap ng isang bahay sa   Mars St. Brgy., Tandang Sora, ganap na alas -3:30 ng madaling araw.

Ayon sa isang testigo nasa loob umano siya ng kanyang tindahan nang marinig ang isang malakas na putok ng baril malapit dito. Agad niyang tiningnan ang pinanggalingan ng putok at pagsapit sa nasabing lugar ay saka tumambad sa kanyang harapan ang walang buhay na katawan ng biktima habang naliligo sa sarili nitong dugo.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Ope­rations (SOCO) nareko­ber sa lugar ang isang basyo ng kalibre 45 baril na siyang kumitil sa buhay ng biktima na nagtamo ng isang tama ng bala sa kanyang mukha.  Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

 

Show comments