^

Metro

Bala para sa sekyu, roomboy ang sumalo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang menor-de-edad na roomboy nang sa kanya tumama ang bala na dapat ay para sa security guard na nanlaban sa dalawang holdaper sa isang maliit na hotel sa Tondo, Maynila, kahapon ng ma­daling-araw.

Nilalapatan ng lunas sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Ariel Monte­mayor, 16, stay-in roomboy  sa Azakuma Hotel Manila na matatagpuan sa  Ricafort St., Tondo dahil sa bala na tumama sa kanang bahagi ng leeg.

Sa ulat ng Manila Police District-Station 1, naganap ang insidente dakong alas-4:10 ng madaling-araw sa entrance ng nabanggit na hotel.

Paliwanag ng nakatalagang security guard na si Jo­nald Alboroto, 23,  nakatayo sila ng biktima sa entrance ng hotel nang biglang sumulpot ang mga suspek at tinutukan siya ng baril saka nagdeklara ng holdap. Nagawa niyang iiwas ang sarili at agad na itinutok ang  hawak na shotgun sa mga suspek subalit huli na dahil naunang pumutok ang mga suspek.

Nagulat na lamang siya dahil ang kasamang si Montemayor na nakatayo sa kaniyang likuran ang siyang tinamaan.

Nagtakbuhan na ang dalawang suspek sa direksiyon ng Franco St. habang isinugod naman sa nasabing pagamutan ang binatilyo ng kaniyang kapatid na si Rubern Monte­mayor.

ALBOROTO

ARIEL MONTE

AZAKUMA HOTEL MANILA

FRANCO ST.

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MARY JOHNSTON HOSPITAL

MAYNILA

RICAFORT ST.

RUBERN MONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with