MANILA, Philippines – Isang 38-anyos na lalaki ang nagbaril sa sarili sa loob ng isang gusali sa Manila Textile Building sa Soler St., sakop ng Binondo, Manila kahapon ng umaga.
Idineklarang dead-on-arrival sa Justice Jose Abad Santos General Hospital si Eduardo Bacud, ng Magsaysay St., Tondo, Manila.
Base sa report na tinanggap ni Senior Insp. Steve Casimiro hepe ng Manila Police District-Homicide Section, isang malakas na putok ng baril ang narinig dakong alas-8:30 ng umaga.
Dito na nakitang duguan at walang malay ang biktima ng ilang tambay sa lugar na mabilis na binuhat at dali-daling isinugod sa nabanggit na pagamutan, subalit hindi na umano ito umabot ng buhay sanhi ng isang tama ng bala sa ulo.
Nakikitang motibo ng pulisya ang umano’y pakikipaghiwalay ng kinakasama nito.
Iniimbestigahan kung may foul play sa nasabing insidente.