MANILA, Philippines – Matapos ang tatlong buwan, binuksan na sa publiko ang maituturing na world class underpass sa Quiapo kung saan tatawagin na ito ngayong Victory Lacson underpass.
Pinangunahan nina Manila Mayor Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno ang inagurasyon ng bagong Victory Lacson underpass na airconditioned, gayundin ng hitech na comfort rooms.
Ayon kay Estrada, ang renovation ng nasabing underpass ay pagbuhay sa dating ganda at kaayusan nito.
Aniya, mabibigyan din ng sapat na seguridad ang mamimili kung saan ipakakalat ang mga security guards ng Victory Mall at ang miyembro ng City Security Force.
Apela ni Estrada sa mga stall owners panatilihing malinis ang kanilang mga lugar kung saan tiyakin na may sapat na basurahan upang maiwasang masalaula ang lugar.
Ang Victory Lacson underpass ay may 26 na regular stalls, 36 kiosk 19 foodcarts at apat na ATM machine.