Kelot utas sa riding-in-tandem

Bulagta sa kalsada si Ruel Jovellano makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects sa Quezon City, kahapon ng umaga. (Kuha ni Boy Santos)

MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot sa lugar ang isang lalaki makaraang pagbabarilin sa mukha ng riding-in-tandem habang ang una ay nakatayo sa harap ng isang bahay sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Ayon kay SPO2 Jimmy Jimena­, ang biktima ay nakilala sa pamamagitan ng kanyang identification card na si Ruel Jovellano, 38, re­sidente sa P. Guevarra St., San Juan City.

Mabilis naman anyang tu­makas­ sa lugar ang mga suspek makaraang isakatuparan ang nasabing krimen.

Nangyari ang insidente sa may Driod St., Brgy. Kaun­laran, Cubao, ganap na alas-10 ng umaga.

Base sa pahayag ng ilang nakasaksi, nakatayo lamang anya ang biktima sa lugar nang dumating ang mga suspek na nakamotorsiklo at kinausap pa ng una.

Ilang sandali, bigla na lamang­ anyang bumaba ang backrider saka pinagbabaril sa mukha ang biktima, bago nagsipagtakas.

Inaalam pa ng awtoridad ang ugat nang pamamaslang sa biktima.

Show comments