MANILA, Philippines – Nagsimula na ang ‘amazing race’ ng Manila Disaster Risk Reduction Council kung saan nagtatagisan ng galing ang iba’t ibang participants mula sa iba’t ibang lungsod at organisasyon.
Ayon kay Johnny Yu, hepe ng MDRRC hindi lamang paligsahan ang layunin nila kundi sanayin ang iba’t ibang kalahok sa pagsaklolo sa mga sakuna sa Metro Manila.
Sinabi ni Yu na nais umano nilang maihanda ang bawat isa sa tamang proseso at pagsasagawa ng rescue sa kalagitnaan ng sakuna lalo pa’t may mga pagbabanta sa Metro Manila.
Sa unang araw ng amazing race, ipinakita ang rappelling kung saan sinasagip ang isang na- trap na biktima habang pagsaklolo naman sa mga simbahan at lumang gusali sa ikalawang araw .
Ilan sa mga kalahok ay ang Philippine Red Cross, QC Rescue Team at Bureau of Fire.