MANILA, Philippines – Tiniyak ni Manila Vice Mayor Isko Moreno ang patuloy na suporta sa may 296 dialysis patient sa Maynila.
Ang paniniyak ay ginawa ni Moreno sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan sa San Andres Sports Complex kung saan nagkaroon ng maikling programa at pagbibigay ng mga goodies sa mga pasyente at kasama nito noong Sabado.
Ayon kay Moreno, mahirap para sa pamilya lalo na sa mga dialysis patients ang kanila ngayong nararanasan subalit gumagaan ito dahil na rin sa suporta ng lungsod ng Maynila.
Ito lamang ang nakikita niyang isa sa mga paraan upang maibsan ang sakit na kanilang nararamdaman. Sa katunayan umano ay may bagong mga dialysis machine na makakatulong upang mas maging madali ang pagpapagamot ng mga pasyente.
Ang mga dialysis machine ay nasa Manila Dialysis Center sa Gat Andres Bonifacio Memorial and Medical Center.
“Never deprive someone of hope; it may be all they have,” ani Moreno.