Sidewalk, lilinisin sa illegal parking
MANILA, Philippines – Bilang bahagi pa rin ng isinusulong na solusyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa masikip na daloy ng trapiko sa Katipunan Road, ang pagwawalis sa mga illegal na nakarapadang sasakyan sa sidewalk ang tututukan ngayon ng ahensiya.
Sinabi ni MMDA Road Safety Unit head Engr. Emilio Llavor, nakakadagdag kasi sa masikip na trapik sa naturang lugar ang mga illegal na nakaparadang sasakyan sa mga bangketa.
Nabatid na ginagawa ng ilang business establishments na kanilang parkingan ang mga sidewalk dahilan para lalung maging matrapik sa lugar.
Ayon kay Llavor, nagtalaga sila ng dagdag na tao at tow trucks sa lugar upang linisin ito mula sa mga ilegal na nakaparadang sasakyan.
Magugunitang, isa ang bahagi ng Katipunan na tinutukan ng MMDA dahil sa nararanasang araw-araw na masikip na daloy ng trapiko lalu na kung may mga event sa Ateneo de Manila University.
- Latest