Libreng bakuna sa pneumonia sa matatanda sa Quezon City

MANILA, Philippines - Magkakaloob ng libreng bakuna ang Quezon City  government kontra sa sakit na  pneumonia  sa mahigit na 8,000 senior citizens  ng lungsod, kaalinsabay sa pagdiriwang ng ika-75th Diamond Jubilee year dito.

Bunga nito, hinikayat ni QC Mayor Herbert M. Bautista ang mga senior citizen na samantalahin na ang pagkakataong ito na makalibre ng bakuna kontra pneumonia – na isa sa mga ugat ng pagkamatay ng nakararaming matatanda sa ngayon.

Ang pneumonia ay isang inflammatory condition ng ating mga baga na kalimitay nagkaka-impeksiyon dulot ng mga bacteria at viruses na nakukuha natin sa ating paligid. Ang libreng bakuna ay isasagawa ng mga city health workers sa  Oktubre 18  sa iba’t ibang health centers  sa anim na distrito ng lungsod.

 

Show comments