^

Metro

Dahil sa buhul-buhol na trapik, 5 barker binitbit

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Limang  barker ang binitbit ni Manila  Vice Mayor Isko Moreno matapos na mahuli sa aktong nagpapasakay  na nagiging sanhi ng pagsisikip ng  daloy ng trapiko noong Biyernes sa  Morayta, Maynila.

Agad na dinala sa  tanggapan ni Moreno ang  lima na madalas ding  inirereklamo  hindi lamang ng mga pasahero kundi mismo ng mga jeepney drivers.

Ayon kay Moreno pinasasakay ng mga ito ang  pasahero bagamat naka go signal na nagdudulot naman ng  mabagal na daloy ng  mga sasakyan.

“Kung stop signal puwedeng magpasakay, pero kung green o go signal na dapat nang palargahin ang mga jeep”, anang bise alkalde.

Paliwanag ni Moreno, hindi naman  niya tinatanggalan ng trabaho ang mga barker subalit kailangan ding ipatupad ng mga ito ang  disiplina  at sistema sa kanilang  hanay upang  walang maperwisyo.

Sinabi ni  Moreno na mas lalaki ang kita ng mga barker kung nasa legal ang mga ito. Nangyayari ang  kotongan kung gumagawa ng iligal.

Dagdag pa ni Moreno,  handa siyang tulungan ang mga barker gayundin ang mga jeepney drivers subalit kailangan din na tulungan ng mga ito ang city government sa pagpapatupad ng  tamang disiplina at koope­rasyon.

Nangako naman ang mga barker na aayusin ang kanilang  hanay at makikipagtulungan sa mga awtoridad  hindi lamang sa trapiko kungdi maging sa  mga snatcher  at holdaper sa lugar.

Samantala, nagsagawa naman ng  follow up ope­ration si Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) Director  Carter Don Logica kahapon  kung saan apat pang  barker ang nadakip.

Pinagsabihan din  ang mga barker at binigyan ng  ultimatum upang  ayusin ang  kanilang mga lugar.

 

AYON

BARKER

BIYERNES

CARTER DON LOGICA

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with