Matinding traffick sa weekend asahan – MMDA

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mas mabigat na daloy ng trapiko sa weekend dahil sa iba't ibang road repairs at reblocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi ng MMDA ngayong Huwebes na simula alas-10 ng gabi ng Biyernes ay magsisimulang ayusin ng DPWH ang ilang kalsada sa Quezon City,  Pasig City, at Mandaluyong City.

Maaapektuhan ang mga sumusunod na lugar:

Southbound:
    Along Araneta Avenue from Calamba Street to Quezon Avenue, 2nd lane
    Along E. Rodriguez Jr. Avenue / C5 between Mercury Avenue and Richmond Avenue, 2nd lane
    Along EDSA between Connecticut to Libertad, Mandaluyong City
    Along C5 Road from CJ Caparas Street to Lanuza Street, outer most lane
    Along Mindanao Avenue from Old Sauyo Road to Rosal Street, 3rd lane

Northbound:
    Along EDSA between Temple Drive to United Street, Mandaluyong City
    Along C.P. Garcia Avenue, Quezon City, 3rd lane

Westbound:
    Along Congressional Avenue from April Street to Ayshire, 1st lane

Matatapos ang road reblocking alas-5 ng umaga ng Lunes.

Nag-abiso ang MMDA sa mga motorista na kung maaari ay iwasan ang mga naturang lugar at maghanap ng alternatibong daan.

Show comments