Matinding traffick sa weekend asahan – MMDA
MANILA, Philippines – Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mas mabigat na daloy ng trapiko sa weekend dahil sa iba't ibang road repairs at reblocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sinabi ng MMDA ngayong Huwebes na simula alas-10 ng gabi ng Biyernes ay magsisimulang ayusin ng DPWH ang ilang kalsada sa Quezon City, Pasig City, at Mandaluyong City.
Maaapektuhan ang mga sumusunod na lugar:
Southbound:
Along Araneta Avenue from Calamba Street to Quezon Avenue, 2nd lane
Along E. Rodriguez Jr. Avenue / C5 between Mercury Avenue and Richmond Avenue, 2nd lane
Along EDSA between Connecticut to Libertad, Mandaluyong City
Along C5 Road from CJ Caparas Street to Lanuza Street, outer most lane
Along Mindanao Avenue from Old Sauyo Road to Rosal Street, 3rd lane
Northbound:
Along EDSA between Temple Drive to United Street, Mandaluyong City
Along C.P. Garcia Avenue, Quezon City, 3rd lane
Westbound:
Along Congressional Avenue from April Street to Ayshire, 1st lane
Matatapos ang road reblocking alas-5 ng umaga ng Lunes.
Nag-abiso ang MMDA sa mga motorista na kung maaari ay iwasan ang mga naturang lugar at maghanap ng alternatibong daan.
- Latest