Tenement residents kontra sa pagpapalayas sa kanila

MANILA, Philippines – Magsasagawa ng noise barrage at overnight vigil ang may 1,000 pamilya na nakatira sa Fort Bonifacio tenement sa lungsod ng Taguig bilang pagtutol sa eviction order ng National Housing Authority (NHA).

Iniutos ng NHA ang paglisan ng mga residente sa tenement dahil sa hindi na ito ligtas tirahan.

Bukas, matatapos ang 30-araw na eviction notice para sa mga residente.

Nais ng mga residente na sumailalim sa “retrofitting” ang mga gusali, sangayon na rin sa pag-aaral na ginawa ng Department of Public Works and Highways.

Nananawagan sila para sa isang on-site reconstruction upang mapigilan ang kanilang relokasyon sa Barangay Aguado sa Trece Martirez, Cavite.

Itinayo ang tenement noong 1963 bilang housing program ni dating Pangulo Diosdado Macapagal at parte ng Japanese Reparation.
 

Show comments