^

Metro

Calling card na ginamit ng FHM model sa ‘iwas huli’, peke

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Peke ang calling card ng heneral ng PNP na ilang beses na ginamit  ng FHM model na si Alyzza Agustin upang makalusot sa paglabag sa trapiko.

Sa isang press statement na ipinadala ni PNP Director for Plans Chief Supt. Alexander Ignacio, sinabi nito na hindi ‘official business card’ ng PNP na nirerepresenta ng kanyang tanggapan, ranggo at designation ang calling card na ginamit ni Agustin para hindi mahuli ng MMDA traffic enforcer.

“I am a Chief Superintendent (1 star rank) and not a Police Director  (2 stars). Alyzza Agustin is not my Executive Assistant and there is no such position in my office,” pahayag ni Ignacio.

Sinabi pa ni Ignacio na hindi niya kilala ang FHM model na si Agustin na ipinagmalaki pa sa kanyang facebook account ang umano’y calling card na ibinigay ng heneral na siya niyang ginagamit para makalusot sa number coding.

“First of all, I categorically deny that I personally know Alyzza Agustin, who claimed that she used my business card to avoid getting traffic citation,” pahayag ni Ignacio.

Si Ignacio ay nasa isang official na mission matapos na dumalo sa ASEAN National Police Conference sa Malaysia.

Aminado naman ang heneral na namimigay siya ng calling card sa mga humihiling nito pero hindi para gamitin sa paglabag sa batas.

“I do give my business card to those who request it. But it goes with the implied condition that it will not be used to violate laws, to shorten prescribed procedures, and for illegal gain. I will not tolerate the use of my business card, the facilities of my office or the privileges of my rank for unlawful purposes,” ayon pa sa opisyal na nakaladkad sa kontrobersya.

Nag-ugat ang kontrobersya matapos na ipinost  ni Agustin sa kanyang facebook account ang calling card na ibinigay umano sa kanya ni Ignacio na kanyang ginagamit para makalusot sa number coding sa sumisitang MMDA traffic enforcer.

Kamakalawa ay naging trending sa social networking sites ang nasabing pag-post ni Agustin at maraming netizens ang nagbigay ng kanilang komento at pagbatikos.

Samantala, sa kanyang facebook account ay humingi na ng tawad si Agustin kay Ignacio at sa pamilya nito.

“I would like to apologize to everyone who was affected  by my post, fellow motorist, Director Alexander C. Ignacio, and his family and the PNP Institution as a whole. I was just overwhelmed by that moment  because I was caught in traffic for hours  coming from my work. I would  like to make it a point  that I do not know Director Alexander C. Ignacio personally,” ani Agustin bago binura ang kanyang ipinost sa Facebook.

AGUSTIN

ALEXANDER IGNACIO

ALYZZA AGUSTIN

CARD

CHIEF SUPERINTENDENT

DIRECTOR ALEXANDER C

EXECUTIVE ASSISTANT

IGNACIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with