^

Metro

8 tauhan ng MPD-ANCAR sangkot sa kotong, AWOL na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinuturing nang AWOL (Absence Without Official Leave) ang  walong pulis ng Manila Police District  na sangkot sa  pa­ngongotong sa  isang Pakistani national noong Setyembre 19.

Ito ang  binigyan-diin ni Chief Insp. Artemio Riparip, hepe ng MPD-General Assignment Section matapos na mabigo pa rin ang mga  pulis na lumutang sa kabila ng  ultimatum na inilabas ni  MPD Director, Chief Supt. Rolando Asuncion.

Kinabibilangan ito nina Senior Insp.  Rommel Geneblazo  at mga tauhan na sina SPO1’s Michael Dingding ,Gerry Rivera, Jay-An Pertubos , Jonathan Moreno, PO2s Renato Ochinang at Marvin de la Cruz pawang nakatalaga sa Anti-Carnapping  and Hi-jacking Unit.

Sinabi ni Riparip na ang hindi pagsuko ng  mga pulis ay maituturing umanong indikasyon ng  kanilang  pagiging ‘guilty’ sa kaso. Aniya, mas makabubuting lumantad ang mga pulis at sagutin ang kaso laban sa kanila.

Kinasuhan na ang mga pulis ng   robbery extortion at paglabag sa Republic Act 3019  o anti-Graft and Corrupt Practices Act sa Manila Prosecutors Office  noong Miyerkules.

Ang kaso laban sa mga pulis ay  nag-ugat sa reklamo ng negosyanteng si Kamran Khan Dawood, 39, ng no. 1806 Platinum 2000 Annapolis  St. San Juan City.

Pinagbintangan ng mga pulis si Dawood na nasangkot   sa carnapping at hiningan ng halagang P100,000  kapalit ng pagpapalaya. Subalit hindi tumupad ang mga pulis kung kaya’t nagreklamo si Dawood. 

ABSENCE WITHOUT OFFICIAL LEAVE

ARTEMIO RIPARIP

CHIEF INSP

CHIEF SUPT

DAWOOD

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

GERRY RIVERA

PULIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with