Drug pusher nilikida

MANILA, Philippines - Onsehan sa ben­tahan ng bawal na droga kaya pina­bulagta ang sinasa­bing no­toryus na drug pusher matapos itong barilin ng di-kilalang lalaki kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Idineklarang patay sa Pasay City Gene­ral Hospital matapos tamaan sa leeg ang biktimang si Jennifer Toreno ng #258 Vergel Street sa Barangay 119.

Base sa police report na natanggap ni P/Senior Supt. Melchor Reyes, hepe ng Pasay City PNP, naganap ang krimen bandang alas-10 ng gabi sa harapan ng bahay ng biktimang nakatayo at may hinihintay na kausap.

 May teorya ang pulisya na onsehan sa bentahan ng bawal na droga ang isa sa motibo kaya pinatay ang biktima.

 

Show comments