MANILA, Philippines - Balak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na lagyan ng instant flyover ang kahabaan ng Katipunan Road sa C.P. Garcia para maibsan ang lumalalang trapik kapag pasukan ng mga estudyante.
Ito ang ipinahayag kahapon ni MMDA Chairman Francis Tolentino na napag-usapan na nila ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson ang paglalagay ng flyover sa naturang lugar.??
Nabatid, na pansamantala lamang ang planong itatayong flyover sa C.P. Garcia, na ibinase ito ng katulad na ginawa sa San Fernando, Pampanga nang halos limang taon.
Pinostehan din ng mga traffic signal ang ilang bahagi ng Katipunan Road subalit ang reklamo ng mga motorista ay hindi synchronized ang mga ito.??
Kapag maikabit ang bakal na tinawag na “instant flyover”, tuluy-tuloy na ang mga sasakyang mula sa Ateneo De Manila na kakaliwa sa northbound ng C.P. Garcia.??
Ayon sa DPWH, maitatayo aniya ang naturang instant flyover tatlo hanggang apat na buwan.