Bar exams pinababantayan

File Photo

MANILA, Philippines -  Pinababantayan ni  Manila 4th District Councilor Anton Capistrano sa Manila Police District (MPD) ang  isasagawang  bar exams  na  magsisimula sa  Linggo, Oktubre 5 sa University of Santo Tomas (UST).

Ayon kay Capistrano na Chairman ng  Committee on Peace and Order, ang kanyang paalala ay upang maiwasan ang anumang gulo sa pagitan ng mga unibersidad o  dulot ng ibang  grupo.

Inatasan na niya si MPD Director, Chief Supt.  Rolando Asuncion na siguraduhing nakakalat ang kanyang mga tauhan upang hindi makaporma ang  nais na maghasik ng gulo.

Kailangan aniyang mabigyan ng sapat na seguridad ang mga bar examinees na apat na linggong kukuha ng  pagsusulit.

Giit ni Capistrano, hindi na umano dapat na ma­ulit ang insidente kung saan nagkaroon ng pagsabog  at ilang inosenteng sibilyan ang naging biktima na humantong sa pagkakaputol ng paa ng isa sa mga biktima.

Sinabi  naman ni Asuncion, na nagpalabas na siya ng order para sa bar exams kung saan ma­ging ang re-routing ay kanilang ilalabas sa linggong ito.

 

Show comments