^

Metro

Parak na naman sa ‘hulidap’, inireklamo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isa na namang tauhan ng Manila Police District-station 11 ang inireklamo ng umano’y pangongotong sa isang 56-anyos na negosyante na sinita lamang sa pagmomotorsiklo na walang helmet  sa Binondo, Maynila, iniulat  kahapon.

Nagtungo kahapon sa MPD-General Assighnment and Investigation Section ang biktimang si Edgardo Sy, ng  Grace Park, Caloocan City  para ireklamo si  PO1 Marlon San Diego, nakatalaga sa nasabing presinto.

Sinabi ni C/Insp. Arsenio Riparip, hepe ng MPD-GAIS, na batay sa reklamo ay  kinuha di umano ng nasabing pulis ang kanyang cash na P1,700 at inutusan pa ito na mag-withdraw sa automated teller machine (ATM) habang kasama ang suspek subalit hindi naman natuloy ang pagkuha ng pera dahil iniba umano ng biktima ang personal identification number (PIN) upang hindi maglabas ng pera ang machine.

Naganap ang insidente dakong alas-2:00 ng madaling-araw  sa  Escolta St. Binondo, Maynila.

Gayunman, sinabi ni Riparip na aalamin nila kung may katotohanan ang alegasyon sa pamamagitan ng komprontasyon.

Nakatakda na umanong ipatawag sa Lunes ang nasabing pulis  upang harapin ang reklamo sa kaniya. (Ludy Bermudo)

ARSENIO RIPARIP

CALOOCAN CITY

EDGARDO SY

ESCOLTA ST. BINONDO

GENERAL ASSIGHNMENT AND INVESTIGATION SECTION

GRACE PARK

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT

MARLON SAN DIEGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with