^

Metro

2 ‘tiktik’ ginawaran ng P1.8-M ng PDEA

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang sibilyang impormante ang tumanggap ng kabuuang P1.8 million cash rewards dahil sa pagbibigay nila ng impormasyon na na­ging sanhi para ma­buwag ang ilang sindikato na nagpapakalat ng iligal na droga sa bansa, ayon sa Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

Ang dalawang impormante ay kinilala lamang sa kanilang codenames na Cold Ice at Bombay ay binigyan ng tinatawag na monetary rewards sa PDEA National Headquarters sa Quezon City sa isang simpleng seremonya kahapon.

Si Cold Ice ay nakatang­gap ng pinakamalaking gan­tim­pala na aabot sa P1,092,842.20 dahil sa impormasyong ibinahagi nito sa ahensya kung saan nakumpiska ang aabot sa 14,593.69 gramo ng shabu at pagkakadakip ng tatlong drug pushers nang isagawa ang entrapment operation sa pa­nulukan ng Examiner Street at West Avenue, Quezon City noong August 25, 2014.

Habang si Bombay naman ay ginawaran ng halagang P57,946.83 dahil sa impormasyong ibinahagi nito na nagresulta sa pagkaka­samsam ng 9,999.71 gramo ng shabu at pagkakadakip sa isang dayuhang drug pusher sa Barangay San Vicente, Quezon City noong August 8, 2014.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang gantimpala para sa mga sibilyan ay alinsunod sa programang Operation Public Eye (OPE) isang citizen-based information collection program ng kagawaran, Dange­rous Drugs Board (DDB) at ng mga non-government organizations ka­sapi sa pagkahalahatang kampanya laban sa iligal na droga.

BARANGAY SAN VICENTE

COLD ICE

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY ARTURO G

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS BOARD

EXAMINER STREET

NATIONAL HEADQUARTERS

OPERATION PUBLIC EYE

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with