Pulis na nakarekober ng P1-M, pararangalan

MANILA, Philippines - Sa kabila ng mga kaliwa’t kanang batikos na kinasasangkutan ng ilang tiwaling pulis sa kasong kriminal ay nakatakda namang parangalan ang ilang mga kabaro nito matapos na makarekober ng mahigit na isang milyong pisong cash sa loob ng isang sasakyan na inabandona sa kilalang gasolinahan sa Brgy. Burol 2nd, Balagtas, Bulacan kamakailan.

Sa report na isinumite ni Senior Supt. Ferdinand Divina, director ng Bulacan Provincial Police Office sa Camp Crame, sinabi nito na ang mga matatapat na pulis ay mula sa Provincial Public Safety Company (PPSC), 3rd Maneuver Platoon na nakabase sa Bulacan na pinangungunahan ni Senior Inspector  Leonard Lim, team leader ng 3rd Manuever Platoon2 ‘Ak.

Ayon kay Divina, dakong alas-11 ng gabi  ng magsa­gawa ng operasyon ang mga elemento ng PPSC ka­ugnay ng ‘Oplan Sita’ nang ireport  sa mga ito ni Eudardo Nacpil, custodian sa gasoline station ang  isang inabandonang kulay pula na Suzuki SX4 (TNI 830) sa kanilang gasolinahan.

Natuklasan na karnap ang naturang motorsiklo. Ha­bang iniinspeksyon ang motorsiklo ay nadiskubre ang isang envelope na naglalaman ng P1M at ilan pang mga personal na kaga­mitan.

Natukoy rin sa beripikas­yon sa Land Transportation Office na ang motorsiklo ay pag-aari ni Jeanette Quiambao ng Brgy. Santiago, Gene­ral Trias, Cavite na kinarnap noong Set­yembre 16, 2014 habang minamaneho ng ka­niyang kapatid na si Ryan Helbert Sanchez sa Batasan Hills, Quezon City.

Ang biktima ay iginapos at piniringan ng mga suspek na pinakawalan sa Arayat, Pampanga.

“The Bulacan Police has once again showed and proven its standard of Professionalism and Discipline worthy of praises and emulation, as nobody from the team/group of 15 policemen from Bulacan PPSC was tempted to take any amount for personal use/gain. They are indeed Bulacan’s Pride and also PNP’s asset”, ang sabi pa  ng opisyal

Show comments