MANILA, Philippines - Isang 34-anyos na binata ang nagpatiwakal dahil umano sa matinding depression, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Dead on arrival sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang biktimang si Samuel Orlaen, helper sa Pasay City Public Market, na matatagpuan sa Libertad St., ng naturang lungsod.
Sa report ng pulisya, alas-9:00 ng gabi nang matagpuan ng kanyang ina ang nasawi na nakabigti sa loob ng kuwarto nito gamit ang nylon cord.
Humingi ng tulong ang ina ng biktima sa ilang kasamahan sa bahay, dali-dali ibinaba at kinalag ang tali sa leeg nito at dinala sa naturang ospital, subalit hindi na nakarating ng buhay.
Sa nakalap na impormasyon ng pulisya, may depression umano ang biktima at posibleng ito ang nagtulak sa kanya para kitlin ang sariling buhay. Patuloy pa ring iniimbestigahan ang naturang insidente.