‘Batang hamog’, lasog sa SUV

MANILA, Philippines - Lasog  ang isang 16-anyos na dalagita na sinasabing ‘batang hamog’ makaraang ma-hit and run ng isang Sports Utility Vehicle (SUV) habang tumatawid sa kahabaan ng EDSAsa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Ayon kay SPO1 Jessie Flores ng Quezon City Police Traffic Sector 6, ang biktima ay nakilalang si Jingky Pasiona, residente ng Sangandaan, Caloocan City.

Base sa pahayag ng mga kasama ng biktima isang Pajero na hindi naplakahan ang bumangga kay Pasiona na agad na humarurot matapos ang aksidente. Nangyari ang insidente ganap na alas-8:30 ng umaga malapit sa bus bay na matatagpuan sa kahabaan ng EDSA, North Avenue sa lungsod.

Ayon kay Flores, kabababa lang umano ng biktima sa sinakyan nitong pampasaherong bus kasama ang ilang barkada nang bigla itong tumawid sa northbound lane sanhi upang mabundol siya ng paparating na SUV.

Sabi ng imbestigador, ayon pa sa kasama ng biktima, nakatawid na umano ang biktima sa kabilang linya pagkababa sa bus, pero bumalik pa ito na nagresulta sa kanyang pagka­kabangga. Ang bangkay ng biktima ay nasa pangangalaga ngayon ng Everlasting funeral homes para sa safekeeping.

Show comments