^

Metro

Dagdag-bawas sa produktong petrolyo, inilarga

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng pro­duktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis na epektibo ngayong araw na ito (Sept. 23).

Alas-12:01 ng madaling-araw nagpatupad ang Pilipinas Shell ng pagbawas sa presyo ng P0.25 kada litro ng kerosene at P0.20 kada litro naman sa diesel. Habang nagtaas naman sa presyo ng gasolina ng P0.15 kada litro.  

Nabatid na naunang nagpatupad ng dagdag bawas ang Flying V kahapon, kung saan tumaas  ng P0.20 kada litro ang kanilang gasolina, habang nag-rollback naman sa krudo at kerosene ng P0.20 kada litro.

Sinabi ng Pilipinas Shell,  ang pagtaas sa presyo ng gasolina ay bunsod ng paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Samantalang, ang iba pang oil companies  ay hindi pa nag-aabiso ng dagdag bawas sa kanilang produkto at inaasahang susunod na rin ng kahalintulad ding halaga na ipinatupad ng Pilipinas Shell at Flying V.

FLYING V

HABANG

KADA

LITRO

NABATID

NAGPATUPAD

PILIPINAS SHELL

SAMANTALANG

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with