MANILA, Philippines – Makapagsasagawa na ng hands-on science experiments ang mga estudyante ng pampublikong paaralan ng Taguig sa tulong ng bagong mobile science laboratory na ibinigay ng Department of Science and Technology (DOST) noong ika-1 ng Setyembre.
Ang mga kagamitan na tinanggap ng Department of Education Taguig-Pateros Division (DepEd-TaPat), ay magbibigay ng pagkakataon sa mga guro at mag-aaral na gumawa ng mga eksperimentong hindi nila nagagawa dati dahil sa limitadong pasilidad.
Aniya, hindi lahat ng pampublikong paaralan ay nakapagsasagawa ng mga hands-on science experiment na hamon sa kinakaharap ng mga guro araw-araw. Ang mobile laboratory cart, na nasa pangangalaga ng DepEd-TaPat, ay naglalaman ng mahahalagang kagamitan tulad ng microscope, test tubes, flasks, beakers, at timbangan, na maaaring gamitin ng mga pampublikong paaralan.
Magiging kabalikat ng iba pang programa ng Taguig sa mga pampublikong paaralan tulad ng Computer-Assisted Learning System (CAL) sa ilalim ng Taguig Cyber Education Program - kung saan isinama sa curriculum ang paggamit ng information and communication technology - sa layuning mapanatili ang pangunguna nito sa National Achievement Test (NAT) sa buong Metro Manila ngayong taon.