^

Metro

Sunog sa Pasig: 1 sugatan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang katao ang sugatan habang 40-pamilya ang nawalan ng tahanan sa isang sunog na tumupok sa tinatayang may 20 kabahayan sa isang residential area sa Barangay Santolan sa Pasig City nitong Sabado ng madaling araw, kahihinto pa lamang ng ulan na dulot ng habagat na hinila ni bagyong Mario.

Ang nasugatan ay na­kil­alang si Lex Nahil, na nagtamo ng first degree sa kanang paa at kaagad na isinugod sa Quirino Memorial Medical Center.

Batay sa ulat ng Pasig Fire Department, dakong alas-4:56 ng madaling-araw nang sumiklab ang apoy sa Doroteo St. sa Brgy. Santolan­.

Umabot ang apoy sa ika­lawang alarma bago tuluyang naapula ganap na alas-6:10 ng umaga.

May 20-kabahayan ang natupok sa sunog habang isang residente ang sina­sabing bahagyang nasu­gatan dahil sa insidente ngunit hindi pa nakuha ang pangalan nito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad ay posible umanong naiwanang kandila ang pinagmulan ng sunog ngunit iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang insidente. (Mer Layson)

 

BARANGAY SANTOLAN

BATAY

BRGY

DOROTEO ST.

LEX NAHIL

MER LAYSON

PASIG CITY

PASIG FIRE DEPARTMENT

QUIRINO MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with