Tapos ng baha, bundok ng basura

Ga-bundok na basura ang humilera sa may E. Rodriguez Avenue sa lungsod Quezon makaraang ipadpad ng umapaw na creek sa naturang lugar na sanhi ng walang tigil na pag-ulan noong nakaraang Biyernes at ng bagyong Mario. (Kuha ni Boy Santos)

MANILA, Philippines - Magiging sakit na naman ng ulo sa Metro­politan Manila Development Authority (MMDA) ang iniwang tambak ng basura ng bagyong Mario sa Kalakhang Maynila.

Nabatid  na trak-trak ng basura ang inanod sa Manila Bay sa kahabaan ng Roxas Boulevard malapit sa U.S. Embassy simula noong Biyernes hanggang kahapon.

Nag-agawan naman ang mga magba­basura sa napadpad na mga plastic, styro­por at iba pang basura. Itinulak din ng mala­laking alon at nailapit sa breakwater ang luma at sira-sirang barko na M/V Captain UFUK Panama.

Nakatakda naman magsagawa ng clearing­ operation ang MMDA katuwang ang pamahalaang local ng Maynila. (Lordeth Bonilla)

 

Show comments