MANILA, Philippines - Dahil sa pananalasa ng bagyong Mario, sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng number coding sa ilang pangunahing lansangan ng Kalakhang Maynila kahapon, araw ng Biyernes.
Maging ang Makati at Las Piñas City na hindi nagpapatupad ng window hour sa number coding ay nagsuspindi na rin kahapon ng number coding.
Ang naging hakbangin ng MMDA ay dahil na rin sa pananalasa ng bagyong Mario at walang humpay na pag-ulan sa Metro Manila.
Samantala, sinuspinde rin kahapon ng MMDA ang operasyon ng Pasig River Ferry System para na rin sa kaligtasan ng mga mananakay.
Inihahanda na ng MMDA ang pakikipag-ugnayan sa lokal na opisyal ng Marikina ang Tumana, Marikina evacuation center dahil na rin sa tumataas na water level ng Marikina River.