MANILA, Philippines - Maaaring makapag-avail ng libreng sakay sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) ang mga government employees ngayong araw, kasabay nang pagdiriwang ng ika-114th anibersaryo ng Civil Service Commission (CSC).
Ayon sa LRT Authority, ang libreng sakay para sa mga empleyado ng pamahalaan ay mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi sa naturang araw.
Kinakailangan lamang umanong magprisinta ang mga ito ng identification card sa guwardiya sa istasyon upang payagang sumakay ng tren ng libre.