^

Metro

Bebot timbog, sa 1 kilo ng shabu

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang babaeng ‘tulak’ na nasamsaman ng   mahigit isang kilong shabu na nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso, kahapon ng hapon  sa Pasay City.

 Kinilala ang suspek  na si Erlinda Sabanal Dienega,  “alyas Linda”, 52,  ng Apelo Cruz St. Brgy. 152 ng nasabing lungsod.

 Ayon kay Supt. Julius Caesar Mana,  hepe ng Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force ng Philippine National Police (AIDSOFT) ala-1:00 kahapon ng hapon nang arestuhin si  Dienega ng kanyang mga tauhan matapos silang makatanggap ng impormasyon sa kanilang police asset na patungo ng Iloilo ang suspek upang magdala ng droga.

Dahil dito agad na nagsagawa ng anti-drug operation ang mga pulis at  nagpanggap ng poseur buyer ang isa sa mga miyembro ng AIDSOFT upang bumili ng shabu.

Nang aktong iaabot na ng suspek  ang  droga na halagang P2,000 ay agad namang dinakma ito ng mga pulis.

Nakumpiska mula sa suspek  ang halos isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.4 million  at ang ginamit na marked money.

APELO CRUZ ST. BRGY

ARESTADO

AYON

DAHIL

DRUGS SPECIAL OPERATION TASK FORCE

ERLINDA SABANAL DIENEGA

JULIUS CAESAR MANA

PASAY CITY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with