^

Metro

Pabrika ng tsinelas nasunog: 3 bumbero naospital

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong bumbero ang naospital makaraang maka­ranas ng pagkahilo matapos ma-suffocate sa inaapula nilang nasusunog na pabrika ng tsinelas sa lungsod Quezon kahapon.

Ayon kay Superintendent Jesus Fernandez, city fire marshal, ang nasunog na pabrika ay ang NSR Rubber Corp. na matatagpuan sa ka­habaan ng Mendez St. sa? Brgy. Baesa sa lungsod.

Ang naturang pabrika ay pag-aari ng isang Oscar Mendez­. Ang mga bumberong na­apektuhan ng usok ay sina Insp. Carme Lito Dionela, SFO1 Rio Francisco at FO1 Jess Dagupan, pawang mga nakatalaga sa Bahay Toro fire station.

Sinasabing ang mga bumbero ay nahilo makaraang ma-suffocate sa usok habang inaapula ang naglalagablab na apoy sa naturang pabrika ng walang suot na gas mask.

Ayon kay SFO1 Francisco, sinusubukan na nilang apulahin ang apoy na nasa ikalawang palapag ng pabrika nang biglang umatake ang makapal at maitim na usok, sanhi para makaramdam sila ng pagkahilo, hanggang sa mawalan ng ulirat.

Agad din silang tinulungan ng rescue team at dinala sa Quezon City General Hospital, kung saan nilapatan ng paunang lunas.

Nagsimula ang nasabing sunog sa may laboratory area ng nasabing warehouse, ganap na alas-11:06 ng umaga.

Dahil pawang mga mater­yales sa paggawa ng goma ang laman ng warehouse, mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa lamunin ang buong pabrika.

Umabot sa Task Force Charlie ang alarma ng sunog na idineklarang fire out ganap na alas-2:20 ng hapon.

Tinatayang aabot sa P2 mil­yong halaga ng ari-arian ang napinsala sa sunog habang patuloy na inaalam ang sanhi nito.

vuukle comment

AYON

BAHAY TORO

CARME LITO DIONELA

JESS DAGUPAN

MENDEZ ST.

OSCAR MENDEZ

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

RIO FRANCISCO

RUBBER CORP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with