^

Metro

Kotse sa ‘EDSA hulidap’, narekober

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Narekober na ng Que­zon City Police District (QCPD) ang isa pang sasakyan na ginamit sa kontrobersyal na in­sidente ng hulidap na kinasangkutan ng mga pulis sa kahabaan ng EDSA, Mandaluyong City, noong September 1, 2014.

Ayon kay QCPD deputy director For Ope­ration Police Senior Supt. Procopio Lipana, ang sasakyang Honda Civic na may plakang ZJB-149 na kasama sa nakunan ng footage na ipinakalat sa isang social networking site ay narekober sa isang auto repair shop sa Chopin St., Greenville Sub­division, Quezon City.

Sabi ni Lipana, bago ito, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa naturang sasakyan na dinala sa naturang lugar para ipakumpuni.

Agad nilang pinuntahan ang lugar para kum­pirmahin ang report at nang mag-positibo ay kanila itong narekober.

Ayon  sa pahayag ng caretaker ng  auto shop na si Arnold Reyes, ang nasabing sasakyan ay dinala sa kanila  ng isang Marco Polo noong September 2, 2014, para ipagawa. Hindi umano alam ni Reyes ang nabanggit na sasakyan ay nagta­taglay ng katulad na plaka ng Honda Civic na nakita sa viral video ng kontro­bersyal na ‘EDSA kidnap’, dahil dito ay agad siyang nagbigay ng pahayag na susuko at i-turn over ang sasakyan.

Sa beripikasyon ng PNP highway patrol group (HPG) motor vehicle clearance office (MVCO), lumitaw na ang naturang sasak­yan ay nakarehistro sa Golden Arches Deve­lopment Corporation na may business address sa Paseo de Roxas, Makati City. Hindi naman ito kabilang sa listahan ng nawa­walang sasakyan.

Ayon naman kay QCPD director Chief Supt. Richard Albano, ma­laki ang tulong ng pagkakarekober sa sasakyan dahil mapapagtibay nito ang kasong iniuugnay sa mga sangkot na pulis.

ARNOLD REYES

AYON

CHIEF SUPT

CHOPIN ST.

CITY POLICE DISTRICT

FOR OPE

HONDA CIVIC

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with