Sa kasong pagwawala sa police station, Billy Crawford naghain ng not guilty plea

MANILA, Philippines – Naghain ng not guilty plea ang TV host-actor na si Billy Crawford ka­ugnay sa kasong civil dis­obedience at malicious mischief na isinampa ng Taguig City Police laban dito.

Ginawa ang pagbasa ng sakdal  laban kay Crawford sa sala ni Judge Bernard Bernal ng Taguig Metropolitan Trial Court Branch 74.

Sa naturang arraignment, kasama ni Crawford ang kanyang mga abogadong sina Atty. Lucas Carpio Jr. at Atty. Jose Aspiras.?Dumalo rin ang mga tumatayong complainant sa kaso na sina PO1 Jasmin Zipagan at Rodelma Canao ng Bonifacio Global City (BGC) Police Com­munity Precinct (PCP) Station 7.

Sina Zipagan at C­anao ang naka-duty ng gabing magwala umano ang aktor na nakainom.Nakasaad sa reklamo laban kay Crawford, limang panel ng salamin ang nabasag nito nang magwala ito sa naturang presinto.

Isang oras lamang nanatili ang aktor sa korte­ at tumanggi  itong magpahayag ng anumang pahayag. Itinakda ang pagdinig sa Nob­yembre 5 at Disyembre 1, 2014.

Show comments