^

Metro

Electrician hulog mula 6th floor, lasog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lasug-lasog ang isang  electrician  matapos mawalan ng balanse at mahulog habang nagkukumpuni sa ika-anim na palapag ng isang  ginagawang gusali sa Pasay City, kahapon ng madaling-araw.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Joaquin Alfonso, 42, ng Imus Cavite sanhi ng pagkabasag ng bungo nito at pagkabali-bali ng katawan.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Cris Gabutin, ng Station Investigation and Detective Management Branch  (SIDMB),  Pasay City Police, naganap ang insidente ala-1:30 ng madaling-araw sa AMIO Builders na may walong palapag, na matatagpuan sa Conrad Manila, panulukan ng  Block 2 Central Business Park ng lungsod na nabanggit.

Kasalukuyang nasa ikaanim na palapag ng naturang gusali ang biktima  at nakasampa ito sa hammock (duyan) upang maglagay ng mga kawad ng kuryente nang biglang mawalan ng balanse, dahilan upang ma­hulog ito at bumagsak sa ikalawang palapag na may mga bakal.

Agad namang isinugod ang biktima ng kanyang mga kasamahan sa nasabing pagamutan, subalit makalipas ang ilang minuto ay binawian din ito ng buhay.

Samantala, patuloy namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad kaugnay sa naganap na insidente at inaalam di nila kung mayroon na­ganap na foul play sa pagkamatay ng naturang biktima.

CENTRAL BUSINESS PARK

CONRAD MANILA

CRIS GABUTIN

IMUS CAVITE

JOAQUIN ALFONSO

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with