^

Metro

No. 9 most wanted ng MPD timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nadakip na ng Manila Police District (MPD) ang No. 9 ‘most wanted’ sa isinagawang “Oplan Salikop” ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU sa Pedro Gil, Maynila, nitong Bi­ yernes ng gabi.

Kinilala ang naaresto na si Edwin Pore alyas “Utak”, residente ng #1230 Int. 18, Masigasig St., Kahilum II, Panda­can, Maynila, na isa umanong notoryus na holdaper.

Natiyempuhan si Pore  na kumakain sa Herran Lugawan sa panulukan ng Pedro Gil, sa Paco, Maynila ng mga operatiba ng CIDU na kinabibila­ngan nina  SPO4 Rosauro Almonte, SPO3 Ro­berto Chua, SPO2 Ro­bert  Cariño,  SPO1 Jerry Hernandez, at PO3 Roy Dimaano.

Bitbit ng mga tauhan ng CIDU ang warrant of arrest na inisyu ni Manila Regional Trial Court (RTC)  Branch 29 Judge Roberto Quiros­.

Pinaniniwalaang pa­tuloy lamang sa iligal na gawain ang suspek dahil nakumpiskahan pa ito ng isang kalibre .38 na pistola mula sa kaniyang beywang.

Pinakahuling biktima sa panghoholdap ng suspek ay isang Bernadette Careo, ng  Holly­wood St., Sta.  Ana, Maynila noong Setyembre 2, 2014, sa panulukan ng Carreon at Amparo sts., sa Sta. Ana, na natangayan ng wallet­ at singsing na silver.

BERNADETTE CAREO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

EDWIN PORE

HERRAN LUGAWAN

JERRY HERNANDEZ

JUDGE ROBERTO QUIROS

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

PEDRO GIL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with