^

Metro

Kasong administratibo, isinampa vs 6 Las Piñas cops

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pansamantalang sinampahan muna  ng kasong administratibo ang anim na pulis na sangkot umano sa pagkidnap at pangongotong sa isang obrero na hanggang sa ngayon ay hindi pa lumulutang ang biktima sa Las Piñas City.

Ayon kay Senior  Supt. Adolfo Samala Jr., hepe ng Las Piñas City Police,  na  kakastiguhin at papatawan nila ng kaukulang parusa sakaling mapatunayan na sangkot umano sa kidnapping at pangingikil  sina SPO4 Jhon Miranda; SPO2 Jerry Fernandez; SPO2 Jay De Guzman; PO3 Gil Anos; PO3 Hernan Pua at isang SP01 Sabbon na pawang nakatalaga sa Anti-Crime Follow-Up Unit.

Hanggang sa ngayon ay kinukumbinsi ng pamunuan ng Las Piñas City Police  ang biktimang  si Guillermo Dario, ng Brgy. Talon, Las Piñas City na lumutang na ito upang mailabas ang katotohanang pangyayari.

Nabatid, na noong Martes ay kaagad na sinibak ni Samala sa puwesto ang nabanggit na mga pulis.

Matapos magreklamo sa tanggapan ng National Press Club (NPC) si Dario laban sa anim na pulis ng Las Piñas City matapos umano siya nitong kidnapin at kikilan ng pera.

 

ADOLFO SAMALA JR.

ANTI-CRIME FOLLOW-UP UNIT

CITY POLICE

GIL ANOS

GUILLERMO DARIO

HERNAN PUA

JAY DE GUZMAN

JERRY FERNANDEZ

LAS PI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with