^

Metro

2 parak na dawit sa panibagong kidnap, sumuko

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hawak na ng Caloocan City Police ang dalawang pulis na itinuturong sangkot sa pagdukot sa isang Chinese national sa Monumento na tinangkang ipatubos ng ransom nitong nakaraang Lunes.

Nai-turnover na ng Malolos City Police kay Caloocan Police chief, Sr. Supt. Ariel Arcinas ang mga suspek na sina PO1 Danilo Sytamco, Jr. at PO2 Xerces Sarmiento Martin, kapwa nakatalaga sa Bulacan Police Provincial Office.

Isa pang pulis na hindi­ muna pinangalanan ni Arcinas­ na sangkot din sa na­turang pagdukot ang pinagha­hanap ngayon. Pinayuhan nito ang pulis na kusang-loob na sumuko na lamang kung nais na linisin ang pangalan.

Ang mga suspek ang itinuturong dumukot sa 43-anyos na biktimang si Li Han Zhang, nitong nakaraang Lunes ng hapon. Sinabi ni Li na kagagaling lamang niya sa selebrasyon ng Moon Festival sa Caloocan at pasakay na ng jeep sa may Monumento nang lapitan ng mga suspek at pilit na inaresto.

Isinakay ang biktima sa isang kotse, iginapos at pi­niringan bago dinala sa isang lugar sa Bulacan.  Dito umano siya hiningan ng mga suspek ng P10 milyon upang ma­palaya na bumaba sa P3.5 milyon matapos na magka­tawaran.

Bago ang bayaran nagawang makatakas ng biktima nang makatulog ang mga bantay sakay ng kotse.  Nagkasugat-sugat naman ang katawan ng Tsino dahil sa matagal na pagtatago sa talahib hanggang sa makatiyak na wala na ang mga suspek na naghahanap sa kanya.  Na­gawa nitong makasakay ng bus at taxi hanggang sa makarating sa Quiapo, Maynila at dito nakahingi ng tulong sa awtoridad.

Iniimbestigahan din ng Caloocan Police ang isang babaeng Tsino na kasama umano ni Li nang madukot ito at ang isang babaeng ka­usap sa telepono ng mga suspek na nagsisilbing inter­preter sa negosasyon sa ransom. 

Nakatakdang sampahan naman ng kasong kidnapping ang mga inarestong pulis sa Caloocan Prosecutor’s Office habang kasong “grave misconduct” naman ang isasampang kasong administratibo na maaaring maging daan para masibak ang dalawang pulis sa serbisyo.

ARIEL ARCINAS

BULACAN POLICE PROVINCIAL OFFICE

CALOOCAN CITY POLICE

CALOOCAN POLICE

CALOOCAN PROSECUTOR

DANILO SYTAMCO

LI HAN ZHANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with