Bebot natagpuang patay

MANILA, Philippines - Inaalam pa ng mga awto­ridad ang pagkakakilanlan sa isang babaeng natagpuang patay sa bakanteng lote, sa Baseco Cmpd., Port Area, kamakalawa ng  gabi.

Inilarawan  ni SPO3 Rodelio Lingcong, ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktima sa edad 25-30, may taas 5’2’’-5’5’’, morena.

Isang lalaking namumulot na basura ang naka­kita sa bangkay na nakahandusay dakong alas-8:40 ng gabi kamakalawa sa bakanteng lote na may pa­ngalang “PRA” sa Baseco Compound, Port Area, Maynila­.

Tanging bra lamang ang suot ng biktima kaya inaalam ng pulisya kung ito ay gina­hasa­­.

 

Show comments