^

Metro

Chinese national, nakapuga sa kidnappers

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang Chinese national ang dumulog kahapon sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) matapos umanong makatakas sa mga dumukot sa kanya sa bahagi ng Caloocan City, at dinala sa isang tila bukid na lugar sa bahagi ng North Luzon, kahapon ng madaling­- araw. Sa pamamagitan ng kasamang interpreter, naikuwento ng biktimang  si Lim Han Zhang,  43, ng Quiapo, Manila ang ginawang pagtangay sa kanya­ ng  tatlong lalaki, kung saan siya sapi­litang isinakay sa isang sasakyan dakong alas-4:00 ng madaling-araw kahapon  habang papaakyat umano siya sa  LRT sa Monumento station.

Hindi muna idinetalye ni SPO1 Rodel Benitez ang insidente dahil sa isasagawa nilang follow-up operation at aalamin din sa kuha ng closed circuit television sa lugar kung saan dinukot ang biktima. Nanggaling umano sa  isang moon cake party sa Malabon ang biktima nang papauwi ay hinihinalang inabangan siya ng mga suspek. Mula Monumento, ibiniyahe ang biktima patungo sa norte kung saan dumaan pa umano sila sa  Norh Luzon Expressway (NLEX) at habang tumatakbo ang sasakyan ay hinihingan umano siya ng halagang P10-milyon ng mga suspek kapalit ng kalayaan.

Matagal umano siyang kinukumbinsi na magbigay ng nasabing halaga at kung paano ihahatid ang salapi hanggang sa pakainin siya at napagod na umano ang mga kidnaper at natulog na lamang sa sasakyan. Sa puntong natutulog ang mga suspek ay tumakas siya mula sa loob ng sasakyan at nagpagulung-gulong sa damuhan upang hindi mapansin hanggang sa makarating sa highway at nakakita ng pampasaherong bus.

Sumakay siya, gamit na pambayad ang suot na relos at ang naging kata­bing pasahero na babae ay pinakiusapan niya na makigamit ng cell phone kaya niya nakontak ang isa pang kaibigang Chinese na sa­salubong sa kanya sa pagsakay ng taxi, upang magbayad ng pamasahe. Tadtad ng galos ang mga braso at katawan ng biktima na sanhi ng pagpagulung-gulong nito sa damo. Natagpuan na lamang ang sarili ng biktima na naglalakad siya sa bahagi ng Intramuros at nang makita ng mga pulis ay dinala siya sa MPD-GAS.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

ISANG CHINESE

LIM HAN ZHANG

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT AND INVESTIGATION SECTION

MULA MONUMENTO

NORH LUZON EXPRESSWAY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with