Dahil din sa ‘kidnap-hulidap’ 6 Las Piñas cops, sinibak

MANILA, Philippines - Hindi pa man nata­tapos ang kontro­ber­siyal na pagkaka­sang­kot ng may 12 pulis sa  ‘kidnap-hulidap’ sa EDSA, anim namang pulis mula sa Las Piñas Police station ang  si­nibak kahapon sa pwesto matapos din umanong kidnapin at kotongan ang isang obrero sa lungsod.

Ayon kay Senior Supt. Adolfo Samala Jr., hepe ng Las Piñas City Police, sinibak sa pwesto sina  SPO4 John Miranda; SPO2 Jerry Fernandez; SPO2 Jay De Guzman; PO3 Gil Anos; PO3 Hernan Pua at isang SPO1 Sabbon, nakatalaga sa Anti-Crime-Follow-up Unit ng Las Piñas City Police, na sasampahan ng kasong administratibo.

Pinalulutang din ni Samala ang biktimang si Guillermo Dario, 49,  nang nasabing lungsod upang magsampa ng reklamo laban sa nabanggit na parak.

Nabatid na ang biktimang si Dario ay personal na nagreklamo sa tanggapan ng National Press Club kama­kalawa.

Base sa salaysay ni Dario, noong Agosto 29 habang gumagawa siya ng bahay ng isang ka­ibigan sa naturang lugar ay dumating ang anim na pulis  at hinahanap umano ng mga ito ang isang alyas Malou at nang hindi makita ay siya ang dinala sa pre­sintong malapit sa city hall. Dito siya tinakot ng mga pulis at pilit na tinatanong  kung nasaan si Malou, subalit ayon sa biktima hindi nya kilala ito at bakit siya huhulihin samantalang wala naman siyang kasalanan.

Nabatid, na hini­ngan umano ng naturang mga pulis si Dario ng halagang P75,000 dahilan upang tawagan nito sa telepono ang kapatid na si Dominador upang hingan ng tulong.

Ilang araw ding nakulong si Dario at dahil walang mapiga dito, dahilan upang palayain, sabay na pinagbantaan at tinakot  umano ito.

Noong Setyembre 3, muli na namang inulit ng mga pulis ang ginawa nila kay Dario habang nagkukumpuni ito ng bahay ng kanyang kapitbahay  sa naturang lugar.

Muli siyang dinakip ng mga pulis  at muli siyang kinausap na magbigay ito ng halagang P50,000, su­balit ayon sa biktimang si Dario, wala silang pera kaya’t hindi nila kayang magbigay ng naturang halaga.

Dahil wala ngang mapiga sa kanya ang naturang grupo, kaya noong Setyembre 5.

Matapos ang insi­dente, nagtungo sa barangay ang biktima upang ipa-blotter ang naturang mga pulis, subalit tila aniya wala namang aksiyon ang barangay sa kanyang reklamo kaya sa National Press Club o sa media siya lumapit para sa kanyang sinapit.

 

Show comments