7-anyos ni-rape slay sa palikuran

Nangangalap ng mga ebidensya ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene kung saan natagpuan ang duguang katawan ng 7-anyos na nene na sinasabing hinalay muna saka pinagsasaksak hanggang sa mapatay. (Edd Gumban)

MANILA, Philippines – Isang 7-anyos nene na iniulat na nawawala noong Sabado ng gabi ang natagpuang tadtad ng saksak ang katawang hubo’t-hubad  na pinaniniwalaang ginahasa sa pampublikong palikuran sa Pandacan, Maynila, kahapon ng umaga.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6 ng umaga kahapon nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Myla Rosales ng #2159 President Quirino sa panulukan ng N. Zamora Street sa Barangay 845 sa nasa­bing lugar.

Isinailalim sa interogasyon ng pulisya ang limang suspek kung saan unang umamin ang isang bading na ang kaniyang lover at ang utol na lalaki ang pumatay sa bata.

Gayon pa man, kusang umamin ang tinutukoy na lover ng bading na si Norman de Leon, 25, ng #1676  N. Zamora Street, Paco, Maynila.

Inamin ni De Leon ang pagpatay sa bata upang wala nang ibang mada­may kung saan may 3-araw na siyang walang tulog at hindi na maalala kung paano niya napatay ang paslit.

Ang nakababatang kapatid ni De Leon na si Joshua ay nagbunyag naman na mula nang malulong sa bawal na droga ang kuya niya ay madalas nang makagawa ng hindi maganda at nawawala sa sariling katinuan.

Ikukumpara ng pulisya ang footage ng closed-circuit television (CCTV) camera ang pahayag ng mga suspek.

Show comments