MANILA, Philippines - Basag ang bungo at halos mahati ang katawan ng isang 65-anyos na matandang binatang Australian national matapos itong magpatiwakal sa pamamagitan nang pagtalon mula ika-21 palapag na tinutuluyan nitong hotel dahil sa problema umano sa pera, kahapon ng umaga sa Pasay City.
Nakilala ang nasawing dayuhan na si Robert A. Andrews, ng F-3-6 Edna St., Mt. Waverly, Victoria, Australia at pansamantalang nanunuluyan sa Unit 2101, 21th Floor Atrium Hotel EGI Building sa panulukan ng Gil Puyat Avenue (dating Buendia Avenue) at Taft Avenue ng naturang lungsod.
Lumalabas sa pagsisiyasat nina SPO1 Cris Gabutin at P03 Giovanni Arcinue, ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIMB), Pasay City Police, naganap ang insidente alas-5:45 ng umaga sa likod na bahagi ng naturang hotel.
Ayon kay Freddie Seguvia, 32, binata, driver ng service car ng nasabing hotel, kasalukuyan siyang nasa entrance ng hotel na naghihintay ng kanilang mga guest nang biglang mapansin nitong may bumagsak na tao sa bandang likod na kung saan sumabit pa ang katawan sa kawad ng kuryente hanggang sa bumagsak ito sa kalsada.
Kaagad namang ipinagbigay alam ni Seguvia sa tanggapan ng Police Community Precinct (PCP)-3 ang insidente.
Nang siyasatin ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Southern Police District (SPD) ang silid na inukupahan ng biktima, isang suicide note ang kanilang natagpuan na may 3 pahina na kung saan naka-address ito sa pamunuan ng Atrium Hotel at sa police investigator.
Ilan sa mga katagang nakasulat sa suicide note ng biktima na humihingi ng patawad sa kanyang ginawang pagpapakamatay.
“A deeply apologize to your staff for committing this terrible crime on your premises. I have high regards for your hotel its staff I hope his hag minimum impact on your operation your staff have been helpful, efficient and friendly. I hope will not be affected too much by my died.
I apologize, deeply and sincerely in advance, for the mess, disruption, needless deployment of manpower. I had planned something more tidy, but lack of finance meant it finishes like this. I hope that it will be immediately obvious to you that this is only a case of suicide, there is no outside pressure involvement or collusion as messy as it is, its is all voluntary, so I hope that will lessen how much investigation time you would otherwise waste on this matter. As I say do not look for other ties links, connections involvement to any other person or event, This is my first link to a crime in my life. I am Australian, I have no family o friends to be contacted”, ito ang naging pahayag ng biktima.
Nabatid na ang biktima ay nag-check in noong Agosto 27 at inuukupahan nito ang unit 2101 at nagtapos na ang kanyang pag-stay sa nasabing hotel ay noong Agosto 31, gayunman humingi pa ito ng tatlong araw na extension sa hindi pa mabatid na dahilan hanggang sa isinagawa na nga nito kahapon ng umaga ang pagpapatiwakal.
Nabatid kay Jessie De Guzman, hotel manager ng Atrium, na wala naman silang nakitang kakaibang ikinikilos ang biktima nang ito ay mag-check-in sa kanilang hotel.
Problema sa pera ang isa sa mga anggulong iniimbestigahan ng pulisya kung bakit ito nagpatiwakal, patuloy na iniimbestigahan ang naturang insidente.
Ang labi ng biktima ay nakalagak ngayon sa Rizal Funeral Homes para-i-autopsy at nakikipag-ugnayan na rin ang Pasay City Police sa Australian Embassy.