‘Geolocation’ gagamitin sa anti-crime prevention – DILG

MANILA, Philippines - Ipinahayag ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na sinimulan na ng National Capital Regional Police Office ang ‘geolocation’ para sa kanilang anti-crime intervention sa lahat ng natukoy na crime-prone areas sa Metro Manila.

“Kasama na sa kampanya ng PNP, partikular ng NCRPO, ay ige-geolocate natin ang mga bawat krimen para malaman ano yung mga kanto, mga kalye, mga oras, mga lugar na may high-criminality para makapag-deploy ng tama batay sa statistics na nakikita,” sabi ni Roxas.

Ang geolocation ay isang proseso o pamamaraan para matukoy ang geographical location ng isang tao o device sa pamamagitan ng digital information na pinoproseso sa Internet.’

Sa nakalipas na linggo, regular na nakikipag­pulong ang kalihim sa NCRPO at iba pang concerned PNP officials para suriin ang mga insidente ng krimen, gumawa ng panukala at estratehiya upang mabawasan ang nasabing insidente sa NCR.

“Kabahagi po ito ng ‘Oplan Lambat’ na kung saan kabilang rito yung ‘Oplan Katok’, mobile patrol, beat patrol, at paglalagay ng checkpoints/chokepoints. Dati rati, 38 lang yung checkpoint ?teams sa NCR. Ngayon 100 na. Sa bawat checkpoint, walo ang pulis na nakatalaga at may sasakyan ito,” dagdag pa nito.

Sabi pa ni Roxas, kasama ng programa ang may 89 na personnel mula sa PNP NQH; 98 mula sa NCR regional public safety battalion; 908 mula sa police recruits; at 55 personnel mula sa iba pang PNP regional headquarters, o kabuuang 1,150 personnel, na ipapakalat sa isang lugar kung saan iniulat na madalas na nagkakaroon ng krimen.

Show comments