^

Metro

‘One truck lane policy’ sa C-5, sisimulan sa Lunes

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa darating na Lunes, (Setyembre 1) magpapatudad na ng ‘one truck lane policy’ sa kahabaan ng C-5 matapos ang inaprubahang resolusyon ng Metro Manila Council (MMC) Special Traffic Committee.

Isasagawa ngayong umaga ng Metropolitan Manila Develop­ment Authority (MMDA) ang test-run para sa ipa­patupad na polisiya  sa lugar.

Layunin pa rin itong maibsan ang patuloy na lumalalang problema ng trapiko sa kahabaan ng C-5 dulot na rin ng tumataas na bilang ng mga sasakyan na dumadaan dito.

Sa inaprubahang resolusyon, ipapatupad ang one truck lane policy simula sa September 1 hanggang Enero 31 ng susunod na taon.

Sa ilalim ng truck hours, gagamitin lamang ng mga trucks ang innermost lane sa kahabaan ng C-5 at mahigpit na sundin ang one-lane policy.

Upang higit na magiging epektibo ang implementasyon ng one-truck lane policy, ang u-turn slots sa kahabaan ng C-5 ay isasara na maliban ang mga nasa ilalim ng flyovers habang bukas naman ang signalized intersections.

Walang oras sa buong araw na payagan ang mga con­tainers trucks na pumarada sa alinmang kalsada sa C-5.

Ang mga trucks na sumuway sa one-truck lane policy ay huhulihin at pagmumultahin ng P2,000, na katumbas ng kaparusahan sa  truck ban violation.

Bukod dito, irerekomenda ng MMDA ang blacklisting ng mga trucking company. Dahil dito, kabuuang pitong U-turn­­ slots sa C-5 ang isasara ng MMDA. Habang 70 traffic en­forcers at auxiliaries ang ikakalat upang mangasiwa ng sitwasyon ng trapiko sa lugar.

BUKOD

DAHIL

ENERO

HABANG

ISASAGAWA

LANE

METRO MANILA COUNCIL

METROPOLITAN MANILA DEVELOP

SPECIAL TRAFFIC COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with