MANILA, Philippines - Walang pasok ngayong Martes sa paaralan ang mga estudyante ng lungsod ng Maynila at Pasay dahil sa malakas na pag-ulan na dulot ng low pressure area.
Inanunsyo ni Manila Mayor Joseph Estrada ang kanselasyon ng klase sa pampubliko at pribadong paaralan dahil maraming lugar sa kanyang nasasakupan ay binaha.
Inanunsyo naman ng Department of Education (DepEd) ang kanselasyon ng klase sa Taytay, Rizal para sa lahat ng antas.
Mula pre-scholl hanggang high school naman ang walang pasok sa lungsod ng Pasay, dagdag ng DepEd.
Kasalukuyang nasa ilalim ng yellow rainfall warning ang Metro Manila at mga karatig na lalawigan dahil sa low pressure area sa may Daet, Camarines Norte.