^

Metro

4 timbog sa bentahan ng Cytotec

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang  apat katao nang mahuli sa aktong nagbebenta ng Cytotec o gamot pampalaglag sa magkakasunod na pagpapatrolya  noong nakaraang linggo ng mga tauhan ng  Manila Police District- Plaza Miranda PCP sa Quiapo, Maynila.

Batay sa report ni Plaza Miranda-PCP commander P/Insp. Rommel Anicete kay Supt. Aldrine Gran, hepe ng  MPD Station 3,  nakilala ang mga  dinakip na sina Anthony Cruz, 31, Jomar Lacsa, 29, kapwa residente ng #919 Quezon  Blvd, Quiapo Manila;  Julieta Rondario, 32, ng #24 Oscaris St. Quiapo, Manila at Lolita  Marinas, 53, ng #24 Basan St. Quiapo at sinasabing miyembro ng kilabot na  Sputnik Gang.

Ayon kay Anicete,  ang apat na suspek at nakuhanan ng  tig  apat na tablet ng Cytotec  matapos na makipagtransaksiyon  sa  kanilang mga customers.

Nabatid na  tinangka pa ng suspek na si Rondario na tumakas  kung kaya hinabol pa ito ng mga nagrorondang sina  PO2 Regan Arellano at PO1 Reynaldo Fortaliza hanggang sa masukol.

Paliwanag ni Anicete, binalaan na nila ang mga  vendor ng Cytotec  na tigilan na ang bentahan nito lalo na sa paligid ng  Quiapo church.  Tiniyak naman ni Anicete na hindi naman sila titigil sa pagpapatrolya  hanggang sa matukoy ang  supplier ng mga vendor.

vuukle comment

ALDRINE GRAN

ANICETE

ANTHONY CRUZ

BASAN ST. QUIAPO

CYTOTEC

JOMAR LACSA

JULIETA RONDARIO

MANILA POLICE DISTRICT

OSCARIS ST. QUIAPO

PLAZA MIRANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with