Magsasaka inutas

MANILA, Philippines - Utas ang isang magsasaka makaraang pagbaba­rilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang ang biktima ay natutulog sa kanilang tahanan sa Marikina City kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima ay nakilalang si Rodolfo Valerio, 65, ng Road 3, Orange St., Doña Petra, Brgy. Tumana sa lungsod­.

Nabatid na dakong alas-7:00 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima ng kanyang asawang si Rosita Valerio nang puntahan nito sa loob ng cottage  ng  binabantayang Farm sa River­side  Road 3 Extension, sa nasabing barangay.

 

Show comments