Walang reply sa text, patay na pala

MANILA, Philippines - Patay na nang matagpuan ang isang caretaker sa loob ng kanyang bina­bantayan bahay sa barangay Old Balara, Quezon City ka­hapon ng umaga. 

Kinilala ang biktima na si Natividad Panimbaan, 40- anyos, may-asawa ng #1 Asi Dormitory Compound, Feria Road, Barangay Old Balara.

Ayon kay PO2 Jayson Tolentino­ ng QC  Police District station 6 Batasan natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang binabantayang bahay sa no. 1 Asi Dormitory Compound, Feria Road dakong alas-9:00 ng umaga.

Sinasabing natuklasan lamang ang bangkay ng biktima nang makailang ulit itong hindi mag-reply sa mga text sa cellphone ng kanyang kaibigan na na­kilalang isang Maricel Turrado nitong  naka­raang Biyernes.

Para matiyak kung bakit hindi sumasagot sa text ay minabuti ni Turrado na puntahan ang binabantayang bahay ng biktima at dito na­tuklasan ang bangkay ng biktima na nakahandusay pa sa sahig at wala nang buhay.

 

Show comments